ANGONO, Rizal - Bilang bahagi ng gagawin pagdiriwang ng kaarawan ng Mahal na Birhen sa Setyembre 8, binuksan noong Lunes ang isang Marian Exhibit sa Angono, Rizal.

Ayon sa pamunuan ng Hermanidad de Maria Santisima de Angono, tampok sa Marian Exhibit ang may 50 imahen ng Mahal na Birhen na may iba’t ibang pangalan at karamihan ay century-old na.

Sinabi pa ng pamunuan ng Hermanidad de Maria Santisima na ang mga imahen sa exhibit ay itatampok sa ika-29 na Grand Marian procession sa hapon ng Setyembre 8. - Clemen Bautista
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20