Piolo Pascual

NAKA-UPLOAD na sa social media ang music video ng Pare, Mahal Mo Raw Ako na komposisyon ni Joven Tan at in-interpret ni Michael Pangilinan as entry sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014.

Naunang tinanggihan ni Piolo Pascual na kantahin ito sa Himig Handog dahil pangbading daw ang kanta.

Binasa namin ang lyrics ng Pare, Mahal Mo Raw Ako at may katwirang tanggihan ni Piolo ang kanta dahil tiyak na masusulat na naman siya nang hindi maganda, pero sa kabilang banda ay mas magandang tinanggap iyon ng aktor para patunayang hindi totoo ang ibinibintang sa kanya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

E, kahit naman tinanggihan niya, gamit na gamit pa rin ang pangalan niya. There’s no business like show business talaga!

Anyway, sa music video ay tinanggihan naman ng kumanta ang kaibigang may gusto sa kanya at sabi nga, ‘kaibigan lang nga tayo’.

Sayang talaga, Bossing DMB, marahil ay hindi pa o hindi na talaga magiging handa pa si Piolo.

Anyway, it’s Michael’s gain. Malaking exposure ito para sa alaga ni Katotong Jobert Sucaldito dahil mapapasama siya sa Himig Handog P-Pop Love Songs competition na ang mga makakalaban niya ay pawang professional singers na.