Isang 59-anyos na barangay chairman ang nasawi matapos barilin sa ulo ng magkaangkas sa motorsiklo habang nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan nitong Sabado ng hatinggabi sa Sampaloc, Manila.

Pasado 2:00 ng umaga nang ideklarang patay ng mga doktor sa UST Hospital si Rodrigo Cruz, barangay chairman sa District 3, at residente ng 2636 Severino Street, Sta. Cruz, Maynila.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni SPO1 John Charles Duran, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, na dakong 11:50 ng hatinggabi nang nangyari ang insidente sa panulukan ng Dapitan at Lacson Streets sa Sampaloc.

Nakaupo umano ang biktima sa passenger seat ng kanyang Isuzu D-Max (ZEG-123), na minamaneho ng kanyang kasamang si Danilo de La Cruz, 47; habang nakaupo naman sa likuran si Norelito Tarucaa, 50, nang huminto sila sa intersection.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Habang naghihintay na mag-green light ay bigla na lang umanong sumulpot ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo at nakasuot ng helmet, at dalawang beses na pinaputukan ang biktima bago mabilis na nag-U-turn at humarurot palayo.