Pinagsusumite ng Sandiganbayan ng karagdagang ebidensya ang Office of the Ombudsman laban sa mga akusado sa P728 milyong fertilizer fund scam, na kinasasangkutan ni dating Department of Agriculture (DA) Undersecretary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante.

Ang 60-day ultimatum sa tanggapan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ay kasunod na rin ng findings ng anti-graft court na “walang nakitang probable cause sa reklamong plunder na iniharap laban kina dating DA Secretary Chito Lorenzo at Bolante.

Sa rekord ng hukuman, inilihis ang nasabing pondo para sa pangangampanya ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004 presidential elections.

Ang kasong graft naman na isinampa laban kay Arroyo ay ibinasura ng hukuman noong Mayo 2 dahil na rin sa “kawalan ng ebiensya”.

National

LPA sa loob ng PAR, naging bagyo na rin; 9 lugar sa Luzon, itinaas sa Signal No. 1

Pumutok ang usapin nang imbestigahan ito ng Senado noong 13th at 14th Congress at naging sentro ng imbestigasyon si Bolante na napilitang umuwi ng bansa mula sa pagtatago nito sa United States noong 2008.