LAMBAYONG, Sultan Kudarat – Nanlumo ang mga residente ng Barangay Pimbalayan, Lambayong, Sultan Kudarat matapos salakayon ng mga armadong kalalakihan ang detachment ng 4th SKCAA nitong 12:30 ng madaling araw ng Agosto 25, 2014, ngunit walang nasaktan ayon sa pulisya.

Sa pahayag ni Police Senior Inspector Emerson Policarpio, hepe ng Lambayong PNP, mahigit sampung armado ng matataas na kalibre ng baril ang pumosisyon sa isang bahagi ng Pimbalayan National High School at pinaputukan ang detachment na pinamumunuan ni Sgt. Joven Imbat ng Army sa ilalim ng 38th IB.

Nagkabarilan ang magkabilang panig na tumagal ng 30 minutobago umatras ang hindi pa kilalang grupo ng armado sa bahagi ng Barangay Midpandakan, General SK Pendatun, Maguindanao.

Sa pagsisiyasat ng PNP at PNP-EOD-Sultan Kudarat, narekober sa lugar ang mga basyo ng bala mula sa kalibre M-14, 16 at 30 gayundin ang isang 40mm na na-detonate naman ng PNP.

Eleksyon

'Umpisa na ang himagsikan!' Sam Verzosa, tatakbong mayor ng Maynila

Dakong 8:11 a.m. nang araw ding iyon, nagsagawa ng pagpupulong ang sina Policarpio, Imbat, Municipal Councilor Jerry Solaiman at Barangay Pimbalayan Chairman Musaid Kandatu at lumalabas na isang grupo ng MILF ang responsable sa paglusob. Inihahanda na ng PNP ang kaso laban sa mga armado na hindi muna pinangalanan. - Leo P. Diaz