Kris' bouquet

AYAW naming isiping nagkasakit si Kris Aquino dahil sa ALS Ice Bucket Challenge na ginawa niya nang live noong Linggo sa The Buzz kaya hindi siya nakasipot sa Aquino & Abunda Tonight noong Martes (ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga ang pansamantalang humalili).

Nagulat nga kami na kinagat ni Kris ang challenge dahil alam namin na hindi siya puwedeng maligo na hindi hinahaluan ng mainit na tubig dahil madalas niyang ipino-post na palaging warm water ang pampaligo niya.

Kaya hindi na kami nagulat nang magkasakit siya, maligo ba naman siya ng tubig na may yelo plus sobrang ginaw pa sa loob ng studio.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Noong Martes din ay nag-post ang Queen of All Media ng, “The biggest bouquet of red roses I’ve ever received…was delivered to my home but there was no card. Whoever you are, THANK YOU for making a not feeling well girl SMILE!”

As expected, naghuhulaan na naman ang netizens kung sino ang nagpadala ng mga bulaklak na hula namin ay umabot ng 12 dozens.

Ikaw, Bossing DMB, sino hula mo? Hula ko galing kay Quezon City Mayor Herbert Bautista para hindi na magtampo si Kris dahil sabi nga niya, ‘spokesperson’ niya si Bistek sa nakaraang panayam natin sa kanya.

Imposible naman kasing kay Derek Ramsay galing ang mga bulaklak dahil unang-una, para saan? Hindi naman niya kailangang magpa-impress sa TV host/actress at higit sa lahat, maglalagay siya ng card kung sakali.

Hmmm, bakit sina Bistek at Derek lang hula natin? For all we know, may iba pa palang guy na gustong magpa-cute kay Tetay, ha-ha-ha.

(May idea ako kung kanino galing ang giant bouquet pero ‘di ko sasabihin, he-he.... --DMB)