Miguel Tanfelix

LAST Friday ng hapon, dumating sa simbahan ng Sto. Niño de Tondo ang ilan sa cast ng Niño ng GMA Network para makinig ng misa ng dating parish priest na si Fr. Erik Santos.

Ayon sa direktor ng palabas na si Direk Maryo J. delos Reyes na nakausap namin ilang minuto bago nagsimula ang pamisa ng serye ay pasasalamat nila ‘yun sa tagumpay ng Niño. Pangarap din kasi ng ilang kasama sa serye na makarating sa milagrosong simbahan ng Sto. Niño de Tondo.

Humingi sila ng tulong kay Fr. Erik na maraming kaibigan sa showbiz.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Kasama ni Direk na dumating sina Gloria Romero at Luz Valdez. Humabol naman at nakaabot pa sa homily ni Fr. Erik ang bida ng palabas na si Miguel Tanfelix.

Hindi nakarating sina Tom Rodriguez, Katrina Halili, Lotlot de Leon, Bianca Umali at si Kuya Germs Moreno na isa sa mga itinatanong ng mga kasamahan naman sa Greeters and Collectors Ministry ng Parokya ng Sto. Niño de Tondo.

In fairness, pinagkaguluhan din naman ng fans si Miguel na super promote pa ng nagmimisang pari na si Fr. Erik na mahigit sa tatlong taon nang pinalitan ng bagong kura paroko at mahal na mahal ngayon ng mga parishioners ng Sto. Niño de Tondo dahil sa malaking pagbabago ng simbahan, huh!