Jay Z and Beyonce

SI Beyonce ang nag-iisang reyna ng MTV Video Music Awards noong Linggo.

Tinapos ng diva ang awards show sa epiko, halos 20-minutong pagtatanghal. Napaiyak siya nang sumampa sa entablado ang kanyang asawang si Jay Z at ang nag-iisa nilang anak na si Blue Ivy, sa harap ng hindi namamatay ng napipinto nilang hiwalayan.

Umawit at sumayaw si Beyoncé suot ang metallic leotard habang magiliw siyang pinanonood ng kanyang mag-ama mula sa audience hanggang sa idelara niya: “MTV, welcome to my world.”

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Nang tanggapin ni Beyoncé ang Michael Jackson Video Vanguard award, ang bersiyon ng VMA ng lifetime achievement award, sa The Forum sa Inglewood, California, hinalikan niya ang kanyang anak at asawa, na tinawag siyang “greatest living entertainer.” Nanalo ang mag-asawa ng best collaboration para sa awiting Drunk In Love.

“I have nothing to say but I am filled with so much gratitude,” sinabi ni Beyoncé habang paulit-ulit na inihihiyaw ng crowd ang kanyang pangalan.

Gayunman, nabigo si Beyoncé na masungkit ang Video of the Year award, na iniuwi naman ni Miley Cyrus.

Behaved at walang kontrobersiya ang dalawang-oras na show ngayong taon, na tinampukan ng pagtatanghal nina Nicki Minaj, Ariana Grande, Jessie J, Taylor Swift, Iggy Azalea at Katy Perry.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa MTV Video Music Awards:

Video of the Year - Miley Cyrus, Wrecking Ball

Best Hip Hop - Drake ft. Majid Jordan, Hold On (We’re Going Home)

Best Video (Male) - Ed Sheeran ft. Pharrell, Sing

Best Video (Female) - Katy Perry ft. Juicy J, Dark Horse

Best Pop - Ariana Grande ft. Iggy Azalea, Problem

Best Rock – Lorde, Royals MTV Artist to Watch - Fifth Harmony, Miss Movin On

Best Collaboration - Beyoncé ft. Jay Z, Drunk In Love

MTV Clubland Award - Zedd ft. Hayley Williams, Stay the Night

Best Video with a Social Message - Beyoncé, Pretty Hurts

Best Cinematography – Beyoncé, Pretty Hurts

Best Editing – Eminem, Rap God

Best Choreography – Sia, Chandelier

Best Direction - DJ Snake & Lil Jon, Turn Down For What

Best Art Direction - Arcade Fire, Reflektor

Best Visual Effects - OK Go, The Writing’s On the Wall