MARIEL and Robin Padilla

KUWENTO sa amin ng mga nakapanood sa taping ng Talentadong Pinoy, natensiyon daw si Mariel Rodriguez dahil ginagaya ni Robin Padilla ang mga ginagawa ng contestants ng kanilang programa.

Katulad daw sa pilot episode na ipinakita noong Agosto 16, ginaya ni Binoe ang isang contestant na lumambitin sa ere na may tela.

Sa sobrang tensiyon ay napatakbo si Mariel sa production at pilit na ipinaawat ang asawa sa ginagawa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Panay daw ang sigaw ni Mariel ng, “Hindi n’yo ba siya pahihintuin?”

Katwiran kasi ni Robin ay pinaiiral niya ang kanyang pagiging action star kaya ginagaya niya ang mga delikadong stunts ng kanilang contestants.

Kaya ang panalangin daw ni Mariel ay wala sanang contestant na kakain ng blade, dahil baka gayahin din ng mister.

Parang hindi naman na siguro gagawin iyon ni Binoe, di ba, Bossing DMB? Siguro naman alam ng aktor kung hanggang saan ang limitasyon niya.

Susme, kung hindi nga paaawat si Robin sa mga pinaggagawa niya, e, baka sa pagpapagamot lang niya mapunta ang talent fee niya sa Talentadong Pinoy.

(Editor’s note: At ang TF naman ni Mariel, para rin sa pagpapagamot sa mga sakit na makukuha niya sa sobrang stress?)