Isang 67-anyos na lolo ang namatay matapos malunod habang naliligo sa Manila Bay sa Roxas Boulevard, sa Maynila.

Kinilala ang biktima na si Antonio Boral, residente ng 584-98 San Andres Street, Malate, Manila.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni SPO1 Rodelio Lingcong, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, na naganap ang insidente dakong 3:30 ng hapon nitong Sabado sa nabanggit na lugar.

Una umanong namataan ng ilang estudyanteng nagse-selfie sa lugar ang matanda habang nakatayo sa seawall ng Manila Bay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makalipas ang ilang sandali ay nagulat na lamang ang mga estudyante nang mapansing lumulutang na ang biktima sa tubig.

Isang vendor ang nagtangkang sagipin ang matanda ngunit patay na ito.

Paniwala naman ng pulisya na tumalon sa tubig at naligo ang matanda ngunit minalas na malunod ito.

Sa kabila naman nito, iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung posibleng aksidente o may foul play sa insidente.