Sinimulan ng Adamson University ang kanilang title-retention bid sa pamamagitan ng panalo makaraang padapain ng tambalan nina Amanda Villanueva at bagong kapareha na si Marleen Cortel ang Ateneo duo nina Michelle Morente at Jhoana Maraguinot, 21-10, 22-20, kahapon sa pagbubukas ng UAAP Season 77 beach volleyball tournament sa UE Caloocan sand court.

Sinamantala ng Lady Falcons ang magkakasunopd na errors ng Lady Eagles para maitakas ang unang tagumpay.

Nakumpleto naman ng kanilang men’s team ang double kill nang magwagi ang tambalan nina Michael Sudaria at Rence Melgar laban kina Edwin Tolentino at Josephnry Tipay ng defending two-time champion National University, 21-17, 21-19.

Hindi naramdaman ni Villanueva ang pagkakaroon ng bagong kapareha matapos na mapunan ni Cortel ang puwetsong naiwan ni Shiela Pineda na nagtapos na ang playing years para sa Lady Falcons sa kanilang unang laro.

National

Nika, palabas na ng PAR; Ofel, mas lumakas pa habang nasa PH Sea

Ngunit pagdating sa kanilang ikalawang laban, hindi naman umubra ang kanilang liksi at galing sa mas matatangkad na kalaban na sina Jaja Santiago at Fatima General ng NU nang yumukod sila sa mga ito, 19-21, 21-16, 15-9.

Sa iba pang laro, nanggulat din ang mga rookies na kumakatawan ngayon sa last year’s runner-up sa women’s division na University of Santo Tomas nang talunin nina Rica Rivera at Cherry Rondina ang pareha nina Victonara Galang at Cyd Demecillo ng De La Salle University, 21-18, 21-13.

Bago naman nagwagi l;aban sa Adamson, hindi naman nakalusot sa matitinding spikers ng Far Eastern University na sina Bernadette Pons at Charm Simborio sina Santiago at General, 18-21, 15-21.

Nagwagi din sa kanilang unang laban ang University of the Philippines pair nina Arylle Magtalas at Hannah Mangulabnan kontra kina Francislyn Cais at Krysel Cueva ng University of the East, 21-17, 21-18.

Samantala sa men’s division, nagwagi din sa kanilan g unang laban ang Ateneo kontra sa g De La Salle, 21-16, 21-14, gayundin ang FEU na namayani naman sa UE, 21-10, 21-14, at ang UST na nagposte ng 21-16, 21-14 panalo laban sa UP.