Pahihintulutan ang mga paaralan na magtaas ng singil sa matrikula at iba pang bayarin sa kondisyong sila ay maglalaan ng free scholarships sa mahihirap ngunit matatalinong estudyante.

Sa House Bill 4816 na inakda ni Rep. Angelina Tan (4th District, Quezon), nilalayong magtatag at magmantine ng isang sistema ng scholarship grants, student loan programs, subsidiya at iba pang mga insentibo na ipagkakaloob sa matatalino ngunit mahihirap na estudyante sa mga pampubliko at pribadong eskuwelahan.

“This proposal sets a mechanism and support system for the poor but deserving students so that they would be able to finish their education and provide the country the needed intellectuals for national development, growth and prosperity,” ani Tan.

Inoobliga ng panukala ang mga pribadong paaralan na may kabuuang 200 estudyante o higit pa na maglaan ng free scholarships sa karapat-dapat na mag-aaral sa ratio na 1:100 o isang free scholarship sa bawat 100 estudyante.
National

Magnitude 4.1 na lindol, tumama sa Davao Occidental