Ni JUN RAMIREZ

Iniimbestigahan ngayon Bureau of Internal Revenue (BIR) ang libu-libong ilegal na dormitory at lodging house sa Manila dahil sa non-registration at non-payment ng income at value-added taxes.

Sinabi ni Manila Revenue Regional Direcrtor Araceli Francisco na natuklasan nila ang tax dodging anomaly sa pamamagitan ng “Resibo sa Upa Mo Katumbas Premyo.”

May 20 estudyante mula sa lalawigan na nag-aaral sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa lungsod ang kamakailan ay ginawaran ng cash prizes na mula P2,000 hanggang P15,000 nang mabunot ang mga resibo na ibinigay ng kanilang mga landlord sa weekly draw. Namahagi rin ng prepaid cell phone cards na nagkakahalaga ng P300 bilang consolation prizes.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Inilunsad ni Francisco ang proyekto ilang buwan na ang nakalipas matapos mapansin ang napakababang tax compliance ng boarding house operators. Sa ilalim ng contest, ang mga estudyante ay Guzmanhinihikayat na ihulog ang invoices na ibinigay ng kanilang mga landlord sa raffle boxes na inilagay sa mga kolehiyo at unibersidad. Binigyan nito ang BIR ng pagkakataon na matukoy kung tunay o peke ang mga resibo o kung nakarehistro o hindi ang mga dorm.

Sinabi ni Francisco na maaaring mayroong daan-daang illegal dorm operators sa Manila batay sa bilang ng mga estudyante na nagmumula sa mga probinsiya at umuupa ng mga silid sa university belt area ng Manila.

Ipinakita ng mga record na mayroon lamang 1,500 dormitoryo sa Sampaloc-Quiapo-Sta. Mesa area ang nakarehistro sa BIR.