LA PAZ, Tarlac - Malaki ang hinala ng mga pulis na naimpluwensiyahan ng malalaswang babasahin ang isang binatilyong Grade 5 na nag-abuso sa kapwa niya mag-aaral sa Barangay San Roque, La Paz, Tarlac.

Sa ulat kay Senior Insp. Jovy Arceo, OIC ng La Paz Police, kapwa 13-anyos ang suspek at ang babaeng biktima na magkalugar din.

Ayon sa report, bandang 5:00 ng hapon at pauwi na mula sa paaralan ang biktima at suspek kasama ang iba pa nilang kaklase nang kinumbinse ng binatilyo ang dalagita na manghuli sila ng gagamba, pero dinala ang biktima sa liblib na bahagi ng Bgy. San Roque at doon inabuso.

Boluntaryong isinuko ng mga magulang ang binatilyo, na nasa pangangalaga na ngayon ng Municipal Social Welfare and Development Office ng La Paz.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University