John Lloyd & Angelica

PALIBHASA’Y tahimik at walang bagong nababalitaan tungkol sa magkasintahang sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz ay may kumakalat na isyung hiwalay na ang dalawa.

Pero ayon kay Angelica through her Star Magic road manager, “going strong” pa rin ang relasyon nila ni Lloydie.

Sabi pa ng aktres, lalo nga raw tumibay ang relasyon nila ni John Lloyd at masaya siya ngayon dahil nabawasan na ang mga nababasa niyang intriga tungkol sa kanila.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dagdag pa niya, mas epektibo pala ‘yung manahimik na lang sila ni John Lloyd Cruz pagdating sa kanilang relasyon.

“Effective pala ang ganitong pananahimik namin. Kumbaga, choice naming manatiling mas tahimik sa relasyon namin,” sey ng aktres.

Kung dati ay aktibo si Angelica sa pagpo-post ng pictures nila ni John Lloyd sa social media, tinigilan na nila ito. Mas nakakatulong pa nga raw ‘yun sa hinahanap nilang katahimikan para sa relasyon nila.

Mahigit dalawang taon na ang relasyon nina Angelica at John Lloyd Cruz. Napatunayan nilang nagkamali ang ilang nagsabi noon na hindi raw magtatagal ang relasyon nila.