NEW YORK (Reuters) - Higit na mababa ang timbang ng mga naglalakad, nagbibisikleta o namamasahe papasok sa trabaho kaysa may sariling sasakyan, ayon sa isang pag-aaral mula sa UK.

Ayon sa mga mananaliksik, maganda ang maidudulot sa kalusugan ng tao kung matututo ang mga ito na mamasahe na lamang at iwan ang kani-kanilang sasakyan sa bahay.

“It seems to suggest switching your commute mode - where you can build in just a bit of incidental physical activity - you may be able to cut down on your chance of being overweight and achieve a healthier body composition as well,” sabi ni Ellen Flint, siyang nanguna sa pag-aaral.

Sinulat ni Flint at ng kanyang mga kasamahan mula sa London School of Hygiene and Tropical Medicine at University College London sa TheBMJ.com na pantay ang pagbaba ng bilang ng physical activity at bilang ng namamasahe patungo sa kani-kanilang trabaho.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mayroon ding naisaad na ebidensya na maraming obese sa mga lugar na kakaunti ang commuters, dagdag pa nila.

Ang pagko-commute ay tumutukoy sa paglalakad o pagbibisikleta pagpasok sa trabaho, ngunit giit ni Flint at ng kanyang mga kasama, na kinakailangang lumikha ng isang terminong sasaklaw maging sa pagsakay sa mga bus at tren.

Sa kanilang pag-aaral, ayon kay Flint, ilan sa kanilang mga nakapanayam ay nagsasabing hindi naman ganoong kalayo ang kanilang nilalakad patungo sa kanilang trabaho – isang milya o mababa pa.

Bukod sa pag-uugnay sa paglalakad at pagbibisikleta patungo sa trabaho, at pagbabawas ng timbang, mayroon ding pag-aaral na tumatalakay sa mga sumasakay sa mga pampasaherong sasakyan o commuters.

Para sa pag-aaaral na ito, kumalap ng datos sina Flint mula sa mga naninirahan sa UK na ginabayan ng ilang nurse. 7,424 katao ang kinapanayam nila tungkol sa dami ng kanilang body fat at 7, 534 naman ang sumagot batay sa kanilang body mass index (BMI), timbang batay sa katangkaran.

Matapos suriin ang bawat pag-uugali o kasanayan na maaaring nagbunsod ng pagbabago sa timbang, gaya ng socioeconomic status at pag-eehersisyo, napag-alaman ng mga mananaliksik na mas mababa ang BMI at taba ng mga commuters kaysa sa mga gumagamit ng sariling sasakyan.