Patay ang isang matandang babae makaraang magulungan ng isang humaharurot na delivery van sa Commonwealth Avenue kahapon ng tanghali.

Kinilala ni SPO3 Gary Talacay ng Traffic Sector 5 ang biktima na si Marlyn Dagsaan, 61, ng 1st Avenue, Duplex Compound, Champaca , Marikina City.

Ang biktima ay ideneklarang dead-on-the-spot dahil sa pagkakalasog ng katawan.

Kusang sumuko sa pulisya ang tsuper ng Izuzu Elf van (WMZ – 627) na si Virgilio Akson, residente ng Calamba, Laguna.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Sa imbestigasyon ni SPO3Talacay, dakong 12:00 ng tanghali nang maganap ang aksidente sa Commonwealth Avenue ng Lungsod na ito.

Matulin na binabaybay ng delivery van ang north bound lane ng 1st Avenue patungo sa direksiyon ng Fairview at pagsapit sa may Pearl St., nagatubili umanong tumawid ang biktima kung saan nagulungan ito ng sasakyan.

Lumitaw sa imbestigasyon na si Dagsaan ay dumalaw sa kaanak sa may Pearl St., bago siya naaksidente sa naturang lugar. - Jun Fabon