TUWA-TUWA si German “Kuya Germs” Moreno para sa kanyang apong si Luis Gabriel Moreno na kasama sa mga batang atletang Pilipino na ipinadala sa Nanjing, China para sa Summer Youth Olympics Games 2014.

Si Luis Gabriel ay anak ng nag-iisang anak ni Kuya Germs na si Federico at ni Shiela na kapatid naman nina Vina Morales at Shaina Magdayao.

Sabi ni Kuya Germs, hindi niya sukat akalain na mapapasama at makakahiligan ng kanyang apo ang sports.

Sa dinami-dami nga naman ng kabataang mahuhusay sa sports at nag-aambisyon na maging kinatawan ng Pilipinas sa pakikipagpaligsahan sa ibang bansa ay ang apo niya ang isa sa napiling pinakamahusay sa archery.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sabi pa ng beteranong artista at radio and TV host, hindi niya maipaliwanag ang kanyang naramdaman nang mapanood niya sa TV5 ang pagbubukas ng Youth Olympics para sa kabataan.

Si Luis Gabriel Moreno ang nagwagayway ng bandika ng Pilipinas bilang unang atletang nag-qualify sa archery.

No wonder, proud na proud si Lolo Germs!