Piolo-Pascual_JIMI-copy-550x472

NALAMAN namin mula sa isang ABS-CBN insider na may papasok na bagong character sa seryeng Hawak Kamay na pinagbibidahan ni Piolo Pascual. Gusto raw ng management na mas tutukan at mas patibayin ang casting ng nasabing serye.

Hindi raw kasi maganda ang huling lumabas na ratings ng show na ang itinurong dahilan ay ang mahinang suporta ni Piolo sa drama show. Ayaw pang banggitin ng source namin kung sino ang idadagdag sa regular cast ng show.

“Basta ikakagulat ng kalaban. Kung sinasabing malalaking artista ang katapat ng show nina Piolo, eh, lalaban na rin ang show namin,” sey ng source.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Given na raw na lamang na sila sa kahusayan ni Piolo sa pag-arte. Bukod sa kaguwapuhan, kayang-kaya niyang makuha ang atensiyon ng lahat sa akting niya kahit simpleng eksena lang ang ginagawa niya.

“Kahit nga may mga nang-iintriga pa sa kasarian niya, eh, mas marami pa rin ang nag-iilusyon kay Piolo,” sey pa rin ng kausap namin.

Nag-renew ng another two-year contract si Piolo Pascual sa Kapamilya Network. Kaya tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pagiging showbiz royalty.

Mariing itinanggi ng kausap naming ABS-CBN insider ang isa pang intriga na binigyan daw ng ultimatum ng istasyon si Piolo tungkol sa rating ng Hawak Kamay.