Sunshine-Cruz_JIMI-copy-550x540

MAY ideya na si Sunshine Cruz kung sino ang nagpakulo at nagkakalat tungkol sa isyung may masugid daw siyang manliligaw ngayon.

Aniya, very obvious na gusto lang ng nasabing tao na siraan siya. 

Ilang beses na rin kasing mariing pinabulaanan  ni Shine na wala siyang manliligaw at ang kanyang mga anak at ang gumagandang showbiz career niya ang tinututukan niya, hindi ‘yung pag-entertain ng manliligaw. Pero paulit-ulit na lumilitaw ang isyu.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sabi ni Sunshine, single parent siya ngayon kaya dapat lang na pagbuhusan niya ng panahon at paghandaan ang kinabukasan ng tatlong anak niya.

Pero nilinaw din ng aktres na hindi niya sinasabing hindi na siya iibig muli. 

Lahad pa ng isa sa mga artista ng lalong gumaganda at kaabang-abang na Pure Love, pagdating ng takdang panahon ay muling titibok ang puso niya, pero matagal-tagal pa ‘yun. 

Umaasa si Sunshine na makukuha na rin niya ang annulment sa kasal nila ni Cesar Montano na inihain niya. Tanggap na niya at maging ng lahat ng mga kapamilya at kaibigan niya na hinding-hindi na sila maaaring magsamang muli ng action star. 

Katwiran ni Sunshine, natitiyak niyang mas magiging magulo lang ang buhay niya at mas mahirap nang magkasundo pa sila ng dating asawa. Ayaw niyang lumaki ang mga anak nila na nakikitang walang katahimikan sa pagsasama nila.

Samantala, kung namumulaklak ang showbiz career ni Sunshine after ng hiwalayan nila ay kabaligtaran naman ang dating asawa niya.