blind-copy-copy (6)

HINDI malaman ng mga pinsan ng kilalang aktor kung paano nila sasabihin na nakita nila ang girlfriend nitong aktres sa isang exclusive bar na pinupuntahan ng mga celebrity sa Makati City.

"Gumimik sila (mga pinsan) do'n sa bar na pag-aari pala ni __ (ex-boyfriend ng aktres) at habang nasa bar sila at nagpi-people watch sila, dumaan si __ (aktres na girlfriend ng aktor) kasama si __ (ex-boyfriend ng aktres)," kuwento ng kaibigan ng mga pinsan ng aktor.

"Nagulat sila pero hindi na muna nila pinansin kasi inisip nila magkaibigan na lang pero nagulat sila nang isinalya ni _____ (ex-boyfriend) si __ (aktres) sa wall at hinalikan ng todo.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Nagkatinginan 'yung mga pinsan ni _____ (aktor) kasi girlfriend ng pinsan nila 'tapos may kahalikang ibang lalaki, eh, sobrang in love si ____ (kilalang aktor) kay _____ (aktres) kasi ipinakilala na sa lahat.

"Ang problema, hindi alam ng mga pinsan kung paano nila sasabihin dahil baka isipin na sinisiraan lang nila, though hindi naman kasi boto rin naman sila. Pero sa nakita nilang two-timer si _____ (aktres), ayaw na nila kasi hindi pala ito dapat pagkatiwalaan."

Nagulat rin kami sa kuwentong ito ng kaibigan ng mga pinsan dahil alam din namin na sobrang in love ang aktres at ang kilalang aktor na nagsumpaan pa sa isang tanyag na tourist destination sa ibang bansa.

Kaliwa’t kanan din ang post nila sa kani-kanyang Instagram account at very vocal sila sa kanilang relasyon, pero may third party pala!

Sadya yatang hindi maiwan ni Aktres ang dating boyfriend na talagang isang tawag lang niya ay dumarating kaagad.

Kawawa naman ang kilalang aktor na maganda naman ang record sa showbiz at marespeto pang tao.

O mapagbigay lang si aktres dahil ganito rin ang drama niya noon sa isa pang ex-boyfriend niyang aktor na may iba na ring karelasyon ngayon.

Hindi halatang two-timer si Aktres kasi mahinhin kumilos at malumanay magsalita, nasa loob lang pala ang kulo.