Agosto 16, 1930 nang ang unang color cartoon na may tunog, ang “Fiddlesticks,” ay nilikha ng animator na si Ub Iwerks (1901-1971).

Ang unang cartoon na may tunog at kulay, na nagbigay-daan sa buong animation industry, ay ginawa walong taon makaraang ilunsad ang karakter na Mickey Mouse para kay Walt Disney. Ang Fiddlesticks ay ginamitan ng two-strip Technicolor, at inilunsad kasabay ng MGM-distributed musical revue na “King of Jazz.”

Bida rito si Flip the Frog, na isang mahalagang bahagi sa kasaysayan ng animation. Tampok din ang nasabing karakter sa 38 cartoon ni Iwerks nang sumunod na 30 taon.

Si Iwerks din ang lumikha ng Mickey Mouse short film na “Steamboat Willie” noong 1928. Tumanggap si Iwerks ng dalawang Academy Awards, at kinikilala bilang isa sa mga kaibigan ni Walt Disney.
National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol