SI Robin Williams, na nagpakamatay noong Lunes, ay may mahabang kasaysayan ng depression at addiction, ayon sa mga pinakamalalapit sa komedyante.

Ngayon, habang sinisikap ng mga kaibigan at fans na maunawaan kung ano ang nagtulak sa 63-anyos na komedyante na kitlin ang sariling buhay, marami sa larangan ng mental health ang nagsabing ang diskusyon ay nagbukas ng mahalagang pinto sa problema na madalas ay under-treated dahil sa takot ng cultural stigma.

“Depression is a growing problem,” sabi ni Carla Sofka, propesor ng social work sa Siena College sa Loudonville, N.Y. Tinukoy kamakailan ng Centers for Disease Control ang depression na isang seryoso at lumalalaking problema, kasabay ng babala ng US military sa tumataas na insidente ng depression kapwa sa mga aktibo at beteranong kawani.

“This discussion around Robin gives people permission to talk about something that they otherwise might be too afraid to discuss,” ani Professor Sofka.

Sigaw ni Sen. Risa: 'Mananagot ka, Apollo Quiboloy!'

Binabaha ang Twitter, Facebook, at iba pang social media sites ng mga ganitong diskusyon, ayon kay Sofka, na pinag-aaralan ang ugnayan ng celebrity at mental health issues.

Pinansin niya na kapwa ang celebrities at private individuals ay nagiging bukas na sa kanilang pagharap sa depression at suicidal thoughts. “There is this cultural moment in which it is suddenly safe to talk about these things,” aniya, idinagdag na kahit ang celebrities na marami ang mawawala sa larangan ng public reputation.

“Twitter has been very active including several conversations about the crippling nature of depression,” aniya. Isang halimbawa ng celebrity dialogue na umuusbong sa social media ay ang Twitter feed mula kay Dave Foley ng Kids in the Hall fame at huling napanood sa Hot in Cleveland, na naglalarawan na ang tagumpay ay hindi palaging nangangahulugan ng kaligayahan.

Kadalasan ang indibidwal na pinakananganganib ang pinakaatubiling humingi ng tulong, ayon kay Sheila Hunt, director ng community education for Pacific Grove Hospital, isang treatment facility sa Riverside, Calif.

“They are afraid of losing a job, or what friends might think,” aniya, kaya binabalewala o itinatago nila ito sa mga taong malapit sa kanila.

“Many people will go to a doctor for a physical sickness or other medical issue, but they are much less likely to seek treatment for mental health issues,” aniya.

“That’s why we need more education about the warning signs for people around the one that might be in trouble,” aniya. Ang mga ugaling dapat bantayan ay kinabibilangan ng biglaang pagbabago, gaya ng pamimigay ng pinakaiingatang pag-aari sa mga kaibigan o pagsasabing “just wanting to go to sleep and never wake up,” sabi ni Ms. Hunt.

Sa Los Angeles Times noong Miyerkules, sinabi ng matagal nang kaibigan ni Robin na si Steven Pear na nakita niya ang komedyante nitong summer at nabahala.

"You could just tell something was off," ani Mr. Pearl. "He seemed detached. It's hard to explain. He didn't seem like his usual self. My fiancée and I were like, 'Is he OK?' I didn't know it would get this dark." - Gloria Goodale/Christian Science Monitor