blind-copy-copy

NAPASYAL sa bahay ng isang female celebrity ang isa naming kaibigan. Pagkatapos ng ilang oras na tsikahan ay binigyan siya ng pakimkim at may ipinauwing mga produkto na iniendorso ng female celeb.

May I ask naman agad ang aming kaibigang manunulat kung ginagamit ba talaga ni Female Celebrity ang mga pampagandang produkto na kanyang iniendorso.

“Well, minsan, pero kadalasan, ipinamimigay ko ‘yan. Masuwerte nga ang mga katulong ko dahil sila ang nakikinabang d’yan at pati na ‘yung mga pamilya nila,” nakangiting sagot ng female celeb.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Buwan-buwan ay may mga produktong pampagandang dumarating sa bahay niya.

Marami-rami nang mga produktong iniendorso ang female celebrity. Pero banggit niya sa aming kaibigan, ni isa sa mga iyon wala siyang ginagamit.

Inamin ng pekeng endorser ng mga produktong pampaganda na pawang branded at imported ang beauty products na ginagamit niya.

It’s time na tigilan ang pagbili ng beauty products na iniendorso ng female celebrity na ito.