Karagdagang daily allowance sa mga nakaunipormeng tauhan ng pamahalaan ang isinusulong ngayon sa Mataas na Kapulungan para madagdagan ang kanilang kita.

Sa Senate Resolution No  2, nais ng mga mambabatas na gawing P150 na mula sa kasalukuyang P90 ang daily allowance na matatanggap ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP),  Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine National Police Academy (PNPA), Cadets at Philippine Coast Guard (PCG).

'Sampalin ko siya sa publiko?' FPRRD at Trillanes nagkainitan, inambahan ng mikropono

Ang resolusyon ay isinusulong nina Senators Teofisto Guingona III, Antonio F. Trillanes IV, Juan Edgardo Angara, Loren Legarda at Cynthia Villar.

“This measure will not only give them honor and recognition for the hardwork and sacrifices they make daily to secure peace, to protect the country’s territorial integrity and to defend our sovereignty, but it is also one way of professionalizing these institutions that are integral to the nation,” nakasaad sa kanilang resolusyon.

Bukod dito, ikinasa din sa Senado ang pagkakadagdag ng burial benefits sa mga beterano at dependents nito na mula sa P10,000  ay gagawin nang P20,000.

Isinusulong din sa Senado ang Senate Bill No. 2269 na layuning rebisahin ang AFP Modernization Program. - Leonel Abasola