TARLAC CITY— Makararanas ng apat na oras na power interruption ang ilang bayan sa lalawigan ng Tarlac at Nueva Ecija ngayong Biyernes, Agosto 8.

Sa ulat ni National Grid Corporation of the Philippines Central Luzon Corporate Communication and Public Affairs Officer Ernest Lorenz Vidal, ang power interruption ay magsisimula ng 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Ang mga apektadong bayan ay ang San Manuel, Moncada, Paniqui, Anao, Gerona, Ramos, Pura, Santa Ignacia, Victoria, San Clemente, Mayantoc, Camiling at San Jose sa Tarlac.

Sa Nueva Ecija ay ang mga bayan ng Nampicuan at Cuyapo.

National

Rastaman, kasama sa ‘nuisance candidates’ para sa 2025 midterm elections

Ang sanhi ng power interruption ay para mapabilis ang hotspot correction ng Transformer 2 at Feeders sa Concepcion Substation. Ang normal na operasyon sa kuryente ay kaagad na ibabalik oras na matapos ang trabaho, dagdag pa ni Vidal. - Leandro Alborote