MARAMI sa atin ang negatibo ang pananaw sa pagreretiro. Nariyan ang magkakasakit daw sila at malamang na hindi na makababangon sa banig ng karamdaman. Ang iba naman, uupo na lang daw sa tumba-tumba habang nakatanaw sa malayong tanawin hanggang sapitin na nila ang takipsilim. Hindi tayo nag-iisip ng ganoon dahil totoong mas maginhawa ang buhay ng isang retirado. Paano natin gagawing maginhawa ang buhay ng isang retirado? Ipagpatuloy natin...

  • Mag-ehersisyo. - Talagang mahirap ang maglaan ng panahon para mag-ehersisyo lalo na kung abala ka sa kung anu-anong gawain sa loob ng isang linggo. Ngunit sa iyong pagreretiro magkakaroon ka ng maraming oras sa pag-eehersisyo. Maitatakda mo rin kung kailan mo ito gagawin at ilang beses sa loob ng isang linggo. Kung masipag ka, maaari mong unahin ang pag-eehersisyo sa umaga. At kung tinatamad ka naman, maaari mo itong ipagpaliban sa hapon. Ang mahalaga, nakapagpapapawis ka bunga ng iyong pag-eehersisyo. Sapagkat marami ka nang oras, makapipili ka kung anong klaseng ehersisyo na babagay sa iyo.
  • Paganahin ang iyong isip. - Kung walang pampagana ng isipan dahil labas ka na sa iyong work environment, ang panatilihing matalas ang isip ay isa nang responsibilidad. At dahil marami ka nang panahon, marami ka nang aktibidad na maaaring gawin na magpapagana ng iyong isipan. Maaari mong pag-aralan ang kahit na anong computer game at ubusin ang mga oras ng isang araw sa kalulutas ng misteryo ng mga ito. Magbasa ka ng mga nobela sa libro o sa pahina 12 ng pahayagang Balita sagkat pinili iyon sa maraming obra na talagang magpapagana ng iyong imahinasyon. At ang kainaman pa ng pagbabasa, nadadagdagan ang iyong kaalaman nang hindi ka umaalis sa komportable mong tahanan.Maaari ka ring magaral na tumugtog ng instrumento at alayan mo ng musika ang iyong mga mahal sa buhay. Encore!

    Eleksyon

    Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ilan lamang iyan sa mahahalagang sangkap upang manatiling aktibo ang iyong isip sa iyong pagreretiro.

Bukas uli.