Naghain ng panukalang batas si Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato na naglalayong magtatag ng Southwestern Tagalog Region na tatawaging MIMAROPA region.
Sa ilalim ng House Bill 4295, ang MIMAROPA Region ay bubuuin ng mga probinsiya ng Mindoro Oriental, Mindoro Occidental, Marinduque, Romblon, Palawan, Calapan City at Puerto Princesa City.
“The establishment of MIMAROPA Region is envisaged to promote efficiency, economy, and the greater impact in the delivery of government services,” ani Ramirez-Sato.
Ipinaliwanag niya na noong 2002, ang Region IV ay hinati sa dalawa: Region IV-A at Region IV-B. ang IV-A ay binubuo ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon) samantalang ang IV-B ay Mimaropa na binubuo ng Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduque, Romblon at Palawan.