Sisimulan ng defending seniors champion Centro Escolar University (CEU) ang kanilang kampanya na makamit ang ikaapat na sunod na titulo habang ikaapat na sunod ding kampeonato ang hangad ng La Salle Zobel sa pagbubukas ng ika-45 taon ng Women’s National Collegiate Athletic Association bukas sa Ninoy Aquino Stadium.

Kakalabanin ng Lady Scorpions ang San Beda College (SBC) Alabang sa ganap na alas-4:00 ng hapon habang makakasagupa naman ng La Salle Zobel ang Poveda sa midgets division sa ganap na alas-12:00 ng tanghali.

Magtutuos naman sa isa pang laro para sa nakatakdang triple header sa opening day ang season host La Salle College of Antipolo at ang St. Paul Pasig sa juniors division sa ganap na alas-2:00 ng hapon.

Nagpahayag ng labis na kasiyahan ang LSCA sa pagkakataong napasakamay nila bilang host ng WNCAA dahil napasabay ito sa ika-10 taon ng kanilang pagiging miyembro ng liga at ika-30 taon sa pagdiriwang ng pagkakatatag ng kanilang paaralan

National

PAGASA, may namataang bagong LPA sa labas ng PAR

“Nakatutuwa kasi this is a perfect timing for us,” pahayag ni LSCA vice chancellor Jimelo Tipay sa naganap na press conference ng liga noong nakaraang Miyerkules ng tanghali sa Aristocrat, Manila. ”As host we don’t want to disappoint lalo na this is our 30th year as school and 10th year as member, but we expect that all teams will play hard.”

Sa ganap na alas-11:00 ng umaga magsisimula ang opening rites na pangungunahan ng LSCA sa Ninoy Aquino Stadium bago sila lumipat sa Rizal Memorial Coliseum sa pagsisimula ng mga laro sa ganap na alas-12:00 ng tanghali.

Tampok na panauhin at tagapagsalita sa opening ang isa sa mga tanyag na produkto ng WNCAA na ngayo’y isa sa mga hinahangaang manlalaro ng De La Salle University sa women’s volleyball na si Mika Reyes.

Magsisimula naman kinabukasan ang aksiyon sa volleyball sa St. Schholastica’s College Gym.

Maliban sa basketball at volleyball, ang iba pang mga events sa kalendaryo ng WNCAA ay ang badminton, swimming, taekwondo, lawn tennis, table tennis, softball at cheerleading.