Sugatan ang isang hair stylist makaraang saksakin ng dati niyang kasamahan na kapangalan ng sikat na TV host at presidential sister na si Kris Aquino sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Cherry Rosales, 26, hair stylist sa Franche Hair Salon na nakabase sa M. Naval Street, Barangay North Bay Boulevard ng nasabing lungsod at naninirahan sa No. 7 Kagandahan St., Batasan Hills, Quezon City.

Nagtamo ito ng malalim na sugat sa kaliwang pisngi.

Nakatakas naman ang suspek na si “Kris Aquino”, 28, ng 32 Esguerra Street, Barangay Flores, Malabon City.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa report ng Women’s Children and Concerned Desk (WCCD) ng Navotas Police, bandang 2:30 ng hapon, nagtungo si Aquino sa pinapasukang parlor ni Rosales.

Kinumpronta umano ng suspek ang biktima hinggil sa dati nilang alitan hanggang sa humantong sa mainitang diskusyon.

Dahil dito, binunot ni Aquino ang dalang ice pick at sinaksak sa pisngi si Rosales at saka nagpambuno.

Nagawang maagaw ng biktima ang ice pick sa suspek, kung kaya napilitan ang huli na tumakas. - Orly L. Barcala