Binigo ng Gilas Pilipinas ang koponan ng Elev8, 93-84, noong nakaraang Lunes para sa kanilang ikalawang tuneup game sa isinasagawa nilang training camp sa Miami.

Ang Elev8 ay isang koponan na binubuo ng ilang mga dating US collegiate standouts na ang ilan ay mayroong karanasan sa NBA Developmental League at sa iba’t ibang liga sa ibang bansa.

“Good game and win today vs the Elev8 selection. Great ball movement. We’re getting better,” pahayag ni Gilas assistant Josh Reyes sa kanyang post sa kanyang Instagram account.

Una nang tinalo ng Gilas ang Miami Pro-Am team, 95-74, sa una nilang tuneup match.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Ang mga nasabing laro ay bahagi ng ginagawa nilang paghahanda para sa kanilang pagsabak sa darating na FIBA Basketball World Cup ngayong buwan sa Spain.