Bea Alonzo

PATINDI nang patindi ang mga eksena sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Paulo Avelino, Albert Martinez at Maricar Reyes.

Sa totoo lang, mapabarberya, beauty parlor, palengke at hanggang sa mga nasa simbahan lalung-lalo na ang mga kasamahan namin sa Greeters and Collectors Ministry ng Sto. Niño de Tondo ay pinag-uusapan ang mga eksena nina Bea, Paulo, Albert, Maricar at Susan Roces. Kung anu-ano ang mga itinatanong sa amin tungkol sa mga susunod na mangyayari sa seryeng gawa ng Dreamscape ni Sir Deo Endrinal.

Laging pinagkukuwentuhan ng mga kasamahan namin ang huling eksenang napapanood nila at sabik na sabik na inaabangan ang tuluy-tuloy na banggaan nina Emanuelle o Rose (Bea) at Shasha (Maricar).

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Sabi ng mga ate namin sa ministry, parehong magaling umarte sina Bea at Maricar pero mas pagrabe nang pagrabe raw ang mga kasamaang ginagawa ang huli na anila ay kasumpa-sumpa na.

Maricar Reyes_JIMI copy

Marami rin silang tanong sa amin na sa totoo lang ay tanong din naman namin sa sarili namin. Kelan daw aaminin ni Rose ang kanyang tunay na pagkatao at ano ang maaaring gawin ni Shasha para makasigurado siya na hindi siya pagtataksilan ng asawang ginampanan namin ni Paolo Avelino, huh!

Ang sagot? Siyempre, makukuha kapag tinutukan ang mga susunod na pasabog sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Kasi naman biglang tumahimik ang sources namin sa production! Nahuli na yata na sila ang kinukunan namin ng latest, at pinagbawalan. ‘Kaloka!