Ateneo's Amy Ahomiro scores on a put-back against PLDT's Rubie Deleon  during Shakey's VLeague action at SanJuan Arena Ateneo won in straight sets 25-18, 25-21, 28-26.   Photo by Tony Pionilla

Mga laro ngayon (Fil-Oil Flying V Arena):

2 p.m. – National U vs. PLDT Home Telpad

4 p.m. – Army vs. Air Force

National

Dahil sa bagyong Nika: Catanduanes, itinaas sa Signal #1

Sisimulan ngayon ng Philippine Army ang kanilang kampanya upang makaabot sa inaasam na semifinal round sa kanilang pagsalang kontra kapwa military team Philippine Air Force habang magkukumahog namang makabalik ng winning track ang PLDT Home Telpad sa kanilang pagsalang laban sa National University ngayong hapon sa quarterfianls ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Dahil sa sorpresang pagkatalo ng Turbo Boosters noong nakaraang Linggo sa loob ng straight sets sa kamay ng Ateneo at naka-bye ang defending champion na Cagayan Valley, tatangkain ng Lady Troopers na makaangat sa liderato ng ligang ito na itinataguyod ng Shakey’s.

Katabla sa kasalukuyan ng Lady Rising Suns sa barahang 6-1, panalo-talo, tatangkaing kumalas ng Lady Troopers para makapagsolo sa pamumuno sa kanilang tangkang pagduplika ng naitalang 3-1 panalo laban sa Raiders noong nakaraang eliminations.

Magtutuos ang dalawang koponan sa tampok na laro ng nakatakdang twinbill ngayong alas-4 ng hapon matapos ang unang salpukan sa pagitan ng Lady Bulldogs at ng Turbo Boosters.

Hangad naman ng Turbo Boosters na maulit ang kanilang naitalang panalo laban sa Lady Bulldogs noong nakaraang elimination round para makabangon at makabalik sa winning track makaraang gulantangin ng Lady Eagles noong Linggo sa simula ng quarterfinals.

Sa panig naman ng kanilang katunggali, nalalagay sa “must win situation” ang Lady Bulldogs matapos malaglag sa barahang 3-5 kasunod ng kanilang naunang pagkabigo sa umpisa ng quarterfinals sa kamay ng Raiders para akakalas sa kasalukuayng pagkakabuhol nila sa ikalimang posisyon ng Lady Eagles.

Muling sasandalan ni Air Force coach Clarence Esteban sa tangkang wakasan ang dominasyon sa kanila ng Army sina Liza Deramos, Judy Caballejo, Joy Cases, May Pantino, Jocie Tapic at Maika Ortiz.

Para naman sa Lady Troopers, inaasahang mukling mamumuno sina Rachel Ann Daquis, Jovelyn Gonzaga, MJ Balse, Nene Bautista, Ginie Sabas at ace setter Tina Salak.