Young JV

ISANG taong malapit kay Young JV ang nakatsikahan namin tungkol sa kumakalat na sex video niya.

“Nagulat siya nu’ng lumabas, ‘tapos parang okay na rin kasi hindi gaanong pinag-usapan, walang pumikap,” kuwento ng taong nakakausap ni Young JV. “‘Tapos after nu’ng lumabas ‘yung kay Paolo (Bediones), heto, naungkat nga ‘yung kay Young JV, eh, sabi niya three years ago pa nangyari, hindi naman niya idinenay.”

Tanong namin, bakit lumabas? Dahil ba uso ang sex video o para pag-usapan si Young JV kasi nga wala naman siyang career?

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Ha-ha-ha, grabe naman ‘to!” sabi sa amin. “Actually, hindi nga alam ni Young JV na lalabas kasi wala naman sa kanya ‘yung video. Nangyari ‘yun sa webcam with his girlfriend, so wala siyang kasama sa kuwarto.

“Hindi niya (Young JV) alam na kinunan siya ‘tapos late na nang malaman at nasa girl nga ‘yung video. So, wala lang sa kanya kasi alam niya babae ang may hawak, malay ba niyang ilalabas,” kuwento ng source.

Sa madaling salita, ini-record na cybersex ang nangyari kina Young JV at sa non-showbiz girlfriend niya, at ngayon ay naging biktima siya nito. Samantala, nagtanong kami sa Star Magic kung may official statement sila tungkol kay Young JV since sila naman ang may hawak ng career nito pero hindi kami sinagot.

Hayan, maski paano nagkaisyu si Young JV, sana makatulong sa career niya ang sex video issue niya.