Naghain si Laguna Rep. Joaquin Chipeco Jr. ng panukala na tutukoy sa mga legal parameter mga dapat at hindi dapat sa paglalathala sa mga pahayagan ng pangalan at litrato ng mga nagbitiw o natanggal sa trabaho.

Sinabi niyang ang ng paglalathala ng mga “notice of severance” o pagtatanggal sa trabaho ay dapat na limitado lang sa mga situwasyon na ang dating mga manggagawa ay mga accountable officer, gaya ng cashier, collection officer, sales representative, at iba pang humahawak ng pera, ari-arian at stocks ng kumpanya.

Aniya, bagamat karapatan ng mga kumpanya na bigyang babala ang publiko laban sa pakikipagtransaksiyon sa mga dating empleyado, kadalasang nalalabag din ang ilan sa mga karapatan ng mga dating kawani.
National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS