VIGAN CITY - Nagbabala ang Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) sa mga magsasaka, partikular ang nagtatanim ng tabakong Virginia, na suriing mabuti ang binibili nilang abono.

Ayon kay FPA-Ilocos Sur Director Rey Segismundo, puntirya ng isang sindikato ang magbenta ng mga pekeng fertilizersa malalayong bayan at mga liblib na lugar, gaya sa Ilocos Sur.

Sinabi ni Segismundo na ang mga pekeng abono ay nagmula sa Nueva Ecija, Isabela at Cagayan at doon nire-repack ang mga pekeng abono.

Aniya, umaabot na sa 80 porsiyento ng mga magsasaka ang naloko ng mga ambulant vendor na nagsasagawa ng direct selling ng mga pekeng abono sa lalawigan.

Kaso ng dengue sa ilang munisipalidad sa NCR, umabot na sa epidemic level

Kamakailan, aniya, ay may naaresto ang FPA sa bayan ng Bantay na maglive-in partner na nagbebenta ng pekeng foliar fertilizer ngunit nakalaya rin matapos makapagpiyansa at sa kawalan na rin ng interes ng mga magsasaka na magsampa ng kaso ay nagpapatuloy ang ilegal na gawain ng mga ito. - Wilfredo Berganio