BALITA
Sweldo ng job order employees, tinaasan ng Mandaluyong City Govt
Tinaasan na ng Mandaluyong City Government ang suweldo ng lahat ng job order employees ng lokal na pamahalaan. Mismong si Mandaluyong City Mayor Ben Abalos ang nag-anunsiyo ng naturang magandang balita nitong Lunes, sa isang pahayag. Ayon kay Abalos, simula sa Setyembre 1,...
Viy Cortez, ibinalandra ang design ng kanilang bonggang dream house
Ibinalandra ng online personality na si Viy Cortez ang design ng kanilang ipatatayong bonggang dream house ni Cong TV. Sa isang Facebook post ni Viy, sinabi niyang sisimulan na ang construction ng kanilang bahay. "Pangarap ko ito, magkaroon kami ng sariling bahay ni Cong....
2 lugar sa Occ. Mindoro, isinailalim sa state of calamity dahil sa dengue
Idineklara na sa dalawang lugar sa Occidental Mindoro ang state of calamity bunsod na rin ng pagdami ng kaso ng dengue. kabilang sa isinailalim sa state of calamity ang San Jose at Sablayan, ayon kay Occidental Mindoro Provincial Health officer, Dr. Maria Teresa Tan. Aniya,...
No more 'mine' na muna: Facebook, tatanggalin ang live shopping feature
Heads-up, online sellers Simula Oktubre 1, hindi na makakapag-simula o schedule ng live shopping ang sinuman sa Facebook dahil magfo-focus na ito sa short-form video feature na Reels. Sa pahayag na inilabas ng technology company na Meta, sinabi nitong maaari pa rin namang...
Walang atrasan! Pagbubukas ng klase sa Agosto 22, tuloy!
Tuloy na sa Agosto 22 ang pagbubukas ng School Year 2022-2023. Ito ang inihayag niDepartment of Education (DepEd) Spokesperson Michael Poa, sa kabila ng mga panawagang ipagpaliban pa ang class opening sa kalagitnaan ng Setyembre. “Tuloy na tuloy na tayo. Wala nang atrasan....
Singil ng Meralco, tatapyasan ng halos 21 sentimo ngayong Agosto
Magandang balita dahil magpapatupad muli ang Manila Electric Co. (Meralco) ng halos 21 sentimo kada kilowatt hour (kwh) na tapyas sa kanilang singil sa kuryente ngayong buwan. Sa paabiso nitong Lunes, nabatid na ang overall rate para sa typical household ay babawasan ng...
Madalas na brownout sa Occidental Mindoro, pinaiimbestigahan na sa Senado
Pinasisilip na ni Senator RaffyTulfo ang patuloy na nararanasang brownout sa Occidental Mindoro at sa iba pang karatig na lugar. Tiniyak ng senador na maghahain siya ng isang resolusyon sa Senado na mag-iimbestiga, in aid of legislation, sa lumalalang brownout sa Occidental...
Garcia: Comelec, handa sa pagdaraos ng BSKE at 4 na plebisito ngayong taon
Tiniyak ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia nitong Lunes na handa silang magdaos ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at ng apat na plebisito sa bansa ngayong taon, kahit na magkakasabay pa ang mga ito. Sa isang ambush interview,...
2M empleyado, 'di masisibak -- DBM
Itinanggi ng Department of Budget and Management (DBM) na mayroong matatanggal na dalawang milyong kawani ng gobyerno. Ito ay kasunod ng National Government Rightsizing Program (NGRP) bill na iminungkahi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa una niyang State of the Nation...
DOH, umapela sa publiko na mag-donate ng dugo
Umaapela si Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa publiko na mag-donate ng dugo upang mapanatiling sapat ang suplay nito sa mga blood centers at healthcare facilities sa bansa. “Nananawagan tayo sa ating mga kababayan, doon sa ating mga...