July 23, 2026

Home BALITA Probinsya

Kapitbahay na humihingi ng balato sa 'Scatter,' pinutukan!

Kapitbahay na humihingi ng balato sa 'Scatter,' pinutukan!
Photo courtesy: MB File Photo

Nagtamo ng mga sugat ang isang 33-anyos na lalaki matapos umano siyang barilin ng kaniyang 29-anyos na kapitbahay sa Cebu City dahil sa umano'y walang tigil na panghihingi ng balato.

Batay sa mga ulat, nanalo ang suspek ng ₱500 sa larong "Scatter" noong nakaraang linggo. Simula noon, umano'y paulit-ulit siyang hinihingan ng ₱50 na balato ng biktima tuwing nagkakasalubong ang dalawa.

Dahil dito, nauwi umano sa pamamaril ang kanilang alitan.

Tinamaan ng bala sa braso ang biktima at agad na isinugod sa ospital. Ayon sa mga awtoridad, nasa stable na kondisyon na ito.

Samantala, hawak na ng pulisya ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong frustrated homicide.

Probinsya

Lalaki, arestado sa pagnanakaw ng ilang de-lata sa convenience store

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang kabuuang pangyayari sa likod ng pamamaril.