July 23, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Di naman siguro kacheapan tawag doon!' Kim Chiu, 'kinontra' si Vice Ganda dahil sa fans?

'Di naman siguro kacheapan tawag doon!' Kim Chiu, 'kinontra' si Vice Ganda dahil sa fans?
Photo courtesy: MB File Photo

Usap-usapan ang tila pagsalag ni "It's Showtime" host Kim Chiu sa naging pagsita ng kapwa host na si Unkabogable Star Vice Ganda tungkol sa ilang "toxic fans" niya, na kumuyog naman sa huli matapos na makalimutang mabanggit ang pangalan sa mga pinasalamatang co-hosts sa naganap na kauna-unahang FAMAS Broadcast Arts Awards na ginanap sa The Manila Hotel noong Lunes, Hulyo 20.

Nag-ugat ito sa personal na pagtanggap ni Vice Ganda sa parangal na iginawad sa noontime show bilang "Best Variety Show" at "Best Host for Entertainment" para naman sa kaniya, para sa kaparehong programa.

Sa pagtanggap ng parangal para sa Showtime, inisa-isa ni Vice Ganda ang mga kasamang hosts subalit hindi nabanggit at namintisan ang pangalan ni Kim.

Bagay na pinalagan naman ng ilang fans ni Kim.

"Strange how someone could forget to mention her name when she’s an essential part of the show—one of the main hosts while the newer ones were mentioned," talak ng isa.

Tsika at Intriga

Freedom of expression, karapatan niya! Pokwang, Meryll dinepensahan si Joshua

"Kim, never let anyone make you feel small or insignificant. You know your worth don’t let anyone dim that. You deserve so much better than this, better treatment, better respect, and better recognition. Still hoping you’ll quit Showtime!" saad naman ng isa pa.

"So disappointed @vicegandako. She’s one of the reasons why we are watching @itsShowtimeNa. Really? Yung mga newly added hosts na mention then cia nakalimutan because wala kang prompter? Clearly favoritism as it’s finest!" anang isa pa.

Hindi naman ito lingid sa kaalaman ni Vice Ganda. Shinare niya ang X post ng ilang fans at kinomentuhan. Naka-tag din ito sa X account ni Kim.

"The toxicity of these fantards! @prinsesachinita."

"The entitlement. Eeeewwww!!!!"

"Grabe the kacheapan of these fans! Look @prinsesachinita."

Bumoses naman si Kim at tila ipinaliwanag na nauunawaan niya ang naramdaman ng ilang fans niya dahil sa nangyari.

"Ayaw ko na sanang palakihin ito. Pero bilang mga taga supporta hindi naman cguro ka cheapan ang tawag duon. Cguro po marahil sa sobrang pagmamahal at supporta nila sa idolo nila ay protective sila. Initial reaction po cguro ito. Hindi sa tinolerate ko sila pero sana hinayaan na natin ito. Kung wala ang mga taong sumusuporta at lubos na nagmamahal sa atin wala din tatangkilik sa lahat ng ginagawa natin," anang Kim.

Sumunod nito, nagpaalala naman si Vice Ganda sa kaniyang fans na huwag silang maging "toxic."

"Sa aking mga LITTLE PONIES hindi sapat at katanggap tanggap na dahilan na mahal nyo ko para maging masama kyo sa iba. Ipinagpapasalamat ko ang suporta nyo but i will not enable your toxic behavior just because i seek ur support. I love you my mature and thinking Little Ponies!" aniya.

"Thank but not enable. Enaaaayyyy zenkyoooowwww!!! hirit pa ni Meme Vice.

Dahil dito, marami sa mga netizen ang sumita kay Kim at sinabihan siyang sitahin niya ang "toxic" na ugali ng ilang fans niya.

Tila sagot naman dito ni Kim, "Let’s spread love and love always!!!!"

Sa panghuli, nilinaw ni Vice Ganda na hindi sila magkaaway ni Kim at magkausap sila.

"Ay di po kami magkaaway. Magkamessage po kami now. As ennn," anang TV host-comedian.

Maki-Balita: 'Grabe the kacheapan!' Vice Ganda, kinuyog ng ilang fans ni Kim dahil di-nabanggit sa FAMAS