Usap-usapan sa X ang naging posts nina "It's Showtime" hosts Vice Ganda at Kim Chiu matapos sitahin ng ilang fans ng huli ang una, dahil sa naganap na awarding ceremony ng kauna-unahang FAMAS Broadcast Arts Awards na ginanap sa The Manila Hotel noong Lunes, Hulyo 20.
Personal na tinanggap ni Vice Ganda ang pagkilala sa noontime show bilang "Best Variety Show" at "Best Host for Entertainment" para sa kaparehong programa.
Tinalo ni Vice Ganda ang mga kapwa nominadong sina Anne Curtis, para sa nabanggit na programa, gayundin sina Dingdong Dantes (Family Feud Philippines), Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon (Eat Bulaga), Boy Abunda (Fast Talk with Boy Abunda), at Edric C. Calma (Wow).
Sa pagtanggap ng parangala para sa Showtime, inisa-isa ni Vice Ganda ang mga kasamang hosts subalit hindi nabanggit at namintisan ang pangalan ni Kim.
Bagay na pinalagan naman ng ilang fans ni Kim.
"Strange how someone could forget to mention her name when she’s an essential part of the show—one of the main hosts while the newer ones were mentioned," talak ng isa.
"Kim, never let anyone make you feel small or insignificant. You know your worth don’t let anyone dim that. You deserve so much better than this, better treatment, better respect, and better recognition. Still hoping you’ll quit Showtime!" saad naman ng isa pa.
"So disappointed @vicegandako. She’s one of the reasons why we are watching @itsShowtimeNa. Really? Yung mga newly added hosts na mention then cia nakalimutan because wala kang prompter? Clearly favoritism as it’s finest!" anang isa pa.
Hindi naman ito lingid sa kaalaman ni Vice Ganda. Shinare niya ang X post ng ilang fans at kinomentuhan. Naka-tag din ito sa X account ni Kim.
"The toxicity of these fantards! @prinsesachinita."
"The entitlement. Eeeewwww!!!!"
"Grabe the kacheapan of these fans! Look @prinsesachinita."
Photo courtesy: Screenshot from Vice Ganda (X)
Bumoses naman si Kim at tila ipinaliwanag na nauunawaan niya ang naramdaman ng ilang fans niya dahil sa nangyari.
"Ayaw ko na sanang palakihin ito. Pero bilang mga taga supporta hindi naman cguro ka cheapan ang tawag duon. Cguro po marahil sa sobrang pagmamahal at supporta nila sa idolo nila ay protective sila. Initial reaction po cguro ito. Hindi sa tinolerate ko sila pero sana hinayaan na natin ito. Kung wala ang mga taong sumusuporta at lubos na nagmamahal sa atin wala din tatangkilik sa lahat ng ginagawa natin," anang Kim.
Photo courtesy: Screenshot from Kim Chiu (X)
Sumunod nito, nagpaalala naman si Vice Ganda sa kaniyang fans na huwag silang maging "toxic."
"Sa aking mga LITTLE PONIES hindi sapat at katanggap tanggap na dahilan na mahal nyo ko para maging masama kyo sa iba. Ipinagpapasalamat ko ang suporta nyo but i will not enable your toxic behavior just because i seek ur support. I love you my mature and thinking Little Ponies!" aniya.
"Thank but not enable. Enaaaayyyy zenkyoooowwww!!! hirit pa ni Meme Vice.
Dahil dito, marami sa mga netizen ang sumita kay Kim at sinabihan siyang sitahin niya ang "toxic" na ugali ng ilang fans niya.
Tila sagot naman dito ni Kim, "Let’s spread love and love always!!!!"
Sa panghuli, nilinaw ni Vice Ganda na hindi sila magkaaway ni Kim at magkausap sila.
"Ay di po kami magkaaway. Magkamessage po kami now. As ennn," anang TV host-comedian.
Hirit pa ng TV host, "Sa mga kamag anak ng Nanay ko sana po wag nyo kong ibash dahil nakaligtaan kong imention ang Nanay ko sa speech ko kagabi."
Photo courtesy: Screenshot from Vice Ganda (X)
Samantala, sa live telecast ng It's Showtime nitong Martes, Hulyo 21, personal na nagpasalamat si Vice Ganda kay Kim.