Inihayag ng aktor na si Richard Gutierrez ang interes niyang muling makatrabaho ang dating ka-love team na si Angel Locsin.
Sa latest episode kasi ng hostless online talk show na “Stars on Stars” ng Jeepney TV kamakailan, inusisa ni Barbie Imperial kung sino sa mga previous leading ladies ng boyfriend niyang si Richard ang gusto nitong makasama ulit sa proyekto.
Sabi ni Richard, “Siguro si Angel Locsin.”
“We're all waiting for her comeback. Sana 'pag nag-comeback si Angel, makagawa kami ng isang project,” dugtong pa ng aktor.
Matatandaang nagsimulang hindi magparamdam si Angel sa publiko noong matapos ang 2022 national elections.
Ngunit simula nang pumasok sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ang anak-anakan niyang si Joaquin Arce ay panaka-nakang naramdaman ang presensya niya sa online world.
MAKI-BALITA: Angel Locsin ineenjoy absence sa social media
Samantala, aprub naman kay Barbie ang sagot ni Richard kaugnay sa leading lady na bet nitong makatrabaho ulit dahil hindi naman daw talaga maitatangging marami fans ang tambalang “ChardGel.”
Sa katunayan, maging si Barbie at ang mister ni Angel na si Neil Arce ay suportado ang love team ng dalawa.
“Actually, pati kami ni Neil Arce. Kami na ang managers ninyo,” biro pa ni Barbie.
Ilan sa mga proyektong pinagsamahan nina Richard at Angel ay ang “Mulawin,” “Kuya,” “Sigaw,” “Let The Love Begin,” “I Will Always Love You,” at iba pa.
Bagama’t nagkaroon ng mutual understanding sa pagitan ng dalawa, hindi ito nauwi sa pormal na relasyon.