May 21, 2026

Home FEATURES Trending

Mag-asawa, napagkakamalang kambal dahil sobrang magkamukha!

Mag-asawa, napagkakamalang kambal dahil sobrang magkamukha!
Photo courtesy: Douyin via AsianFeed (FB screenshot)

Muling lumutang sa social media kamakailan ang nag-viral na mag-asawang napagkakamalang “long lost twins” dahil sa sobrang pagkakamukha ng kanilang mga itsura. 

Ayon sa mga ulat ng international media, nag-viral ang “Who’s the Husband, Who’s the Wife?” content ng mag-asawang sina Liang Caiyu at He Xiansheng mula sa Dongguan, Guangdong province, China, matapos nilang gayahin ang postura at facial expressions ng isa’t isa, na nagresulta sa tila “copy + paste effect” dahil sa hindi mapagkakailang pagkakapareha ng mga itsura nila. 

Sa video pa nilang “Putting Makeup on My Husband,” nag-cross dress pa ang asawang lalaki na si He upang makumpleto ang makeover niya sa ayos ng asawang si Liang.

Kaya ang nasabing video na may caption na, “we are really sisters now” ay umani ng higit 300,000 likes. 

Ibinahagi nina Liang at He sa kanilang mga panayam na nagkakilala sila mula sa kanilang mutual friends at ikinasal matapos ang anim na buwan.

Trending

Pinoy Guinness World Record holder, personal na kinilala ni PBBM

Noong una raw silang magkita, hindi raw nakita ni Liang na kamukha niya si He, ngunit ilang taon sa pagsasama nila, dito niya napagtanto na unti-unti silang mas nagiging magkamukha. 

“It was only after living together for several years that I slowly realised we resembled one another more. For the past two years, we’ve been together almost around the clock, working, eating, and resting together. I guess that’s why we’ve become increasingly alike,” saad ni Liang sa isang panayam. 

Hanggang sa umabot na ito sa paulit-ulit na raw silang napagkakamalang magkapatid ng ibang tao. 

Bagama’t nakakainis raw sa una, natutunan nila itong sinakyan at gamitin sa promotion ng kanilang herbal business kasabay ang iba pang educational contents, na kalauna’y pumukaw sa atensyon at pumatok sa publiko. 

Kahit na una silang naiulat sa media noong Oktubre 2025, muling lumitaw ang iba pang ulat sa kanila pagpasok ng 2026.