May 22, 2026

Home BALITA

Konsumo ng gov't agencies sa enerhiya, bumaba ng 14% noong Marso—DOE

Konsumo ng gov't agencies sa enerhiya, bumaba ng 14% noong Marso—DOE
Photo courtesy: via MB


Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na nabawasan ng 14% ang fuel at energy consumption ng mga ahensya ng pamahalaan noong buwan ng Marso.

Sa ulat na ibinahagi ng DOE nitong Lunes, Abril 13, iginiit ng energy department ang pagpapalawig at pagpapaigting ng government agencies sa implementasyon ng Government Energy Management Program (GEMP), na layong bumuo ng mga patakaran kaugnay sa energy efficiency at conservation measures.

Anang DOE, ang 14% pagbabang ito sa konsumo ng enerhiya ay katumbas ng 0.70 MW sa energy savings.

“These savings reflect more efficient operations through measures such as optimized energy use in offices and facilities and practicing fuel efficiency while maintaining public service delivery,” anang DOE sa isang post nitong Lunes, Abril 13.

Anila, “By leading by example, the government advances a more sustainable, responsible, and energy-efficient way of operating, helping ease pressure on the power system and ensuring that resources are used wisely for the benefit of all Filipinos.”

Tiniyak naman ng ahensya na magpapatuloy ang kanilang pagbabantay sa pagsiguro ng efficient at sustainable energy usage.

Matatandaang isa sa mga ikinasang energy conservation measures ng pamahalaan ay ang four-day work week, na layong bawasan ang operasyon ng mga opisina upang makatipid sa konsumo ng enerhiya—bunsod ng patuloy na sigalot ng mga bansa sa Middle East.

MAKI-BALITA: 4-day workweek, pansamantalang ipatutupad sa ilang executive offices ng pamahalaan-Balita