May 14, 2026

Home BALITA National

‘Bawal ang hoarding!’ Responsableng paggamit ng gasolina, muling ipinaalala ng DOE

‘Bawal ang hoarding!’ Responsableng paggamit ng gasolina, muling ipinaalala ng DOE
Photo courtesy: John Louie Abrina (MB)

Muling ipinaalala ng Department of Energy (DOE) sa publiko ang responsableng paggamit ng gasolina sa kasagsagan ng kinahaharap na krisis sa enerhiya ng buong bansa bunsod ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East. 

Sa inilabas na pahayag ng DOE nitong Lunes, Abril 13, ibinaba nila ang nilalaman ng anti-hoarding guidelines upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng langis ang bawat mamamayan at gasolinahan. 

Alinsunod sa anti-hoarding guideline, ipinagbabawal ang mga sumusunod: 

Para sa mga gasolinahan

- Pagtanggi na magbenta ng walang sapat na dahilan. 

National

Brawner, pinagtanggol mga sundalo sa Senado; 'di raw nagpaputok ng baril!

- Pagtatago ng suplay upang magmukhang may kakulangan. 

Para sa mga konsumer

- Pagtatago ng suplay upang magmukhang may kakulangan

- Labis na pagbili bunga ng takot sa kakulangan ng suplay. 

Hinihikayat ng DOE ang publiko na i-dokumento at i-report sa eGovPH app o sa hotline 8888 ang mga makikitang kahina-hinalang mga gawain. 

Sa pag-dokumento at pagsusumite naman ng report, mariing ipinaalala ng DOE na tama at beripikado ang impormasyon upang makatulong sa kapwa mamamayan. 

MAKI-BALITA: eGovPH app, puwede nang gamiting sumbungan sa kaugnay ng pagtaas ng krudo–DOE

Matatandaang naunang ibaba ng DOE ang kanilang anti-hoarding at fuel dispensing guideline noong Marso upang matiyak ang sapat at patas na distribusyon ng langis sa bawat parte ng bansa. 

MAKI-BALITA: ALAMIN: Anti-Hoarding at Fuel Dispensing tips sa kasagsagan ng pagtataas ng presyong petrolyo