May 21, 2026

Home BALITA

Babaeng palaboy, napagkamalang basura ng garbage truck collector; patay!

Babaeng palaboy, napagkamalang basura ng garbage truck collector; patay!

Nasawi ang babaeng palaboy matapos umano siyang mapasama sa mga basurang kinolekta ng isang garbage truck collector.

Ayon sa mga ulat, hindi umano napansin ng operator ng garbage truck ang katawan ng biktima na noo’y kabilang sa mga basurang dadamputin nila gamit ang claw ng nasabing truck.

Sinasabing naipit at napisil ang katawan ng babae matapos siyang madampot ng claw ng garbage truck, bago siya tuluyang muling bumagsak sa lupa.

Bagama’t duguan at hinang-hina, nagawa pa raw ng biktima na maglakad at pumunta sa isang convenience store bago tuluyang bumulagta at tuluyang nalagutan ng hininga.

Samantala, dumipensa naman ang crew na sakay ng garbage truck collector at sinabing hindi nila napansin ang biktima—bagay na pinabulaanan ng ilang saksi.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Ayon sa abogado ng pamilya ng biktima, nasaksihan umano ng ilang testigo kung paanong bumaba ang operator ng garbage truck upang tingnan ang biktima at saka sila muling sumakay sa truck at umalis.

Noong Abril 8, 2026, lumabas ang resulta ng sanhi ng pagkamatay ng biktima kung saan natukoy na ito ay nasawi dahil sa blunt force and compressional trauma.

Batay sa Louisville Metro Police Public Integrity Unit mula sa Kentucky, USA, napag-alamang nagsasabi ng totoo ang mga saksing iniharap ng abogado ng pamilya ng biktima matapos mahagip ng tatlong CCTV sa lugar ang pagbaba at pag-alis ng crew ng garbage truck matapos ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.