May 22, 2026

Home FEATURES Balitang Pag-Ibig

'No money, no honey!' Bawal kang mag-jowa kung wala kang pera, bakit?

'No money, no honey!' Bawal kang mag-jowa kung wala kang pera, bakit?
Photo courtesy: Freepik/MB File Photo

Salik o factor bang dapat ikonsidera sa pagkakaroon ng karelasyon ang pagkakaroon ng laman ng bulsa?

Para kay "Coach Vee," Science-based dating coach, huwag na huwag daw talagang mag-jowa kung walang kapera-pera!

Sa "Reels Talk" na ibinahagi ng ABS-CBN News kamakailan, ipinaliwanag ng dating coach na ang pagpasok sa relasyon ay nangangahulugang responsable na ang isang tao para sa "another human being."

"How can you be a giver, kung wala ka namang mai-give?" saad ni Coach Vee.

"Kasi mahirap na, madisgrasya, anong ipakakain mo diyan, pagmamahal?"

Balitang Pag-Ibig

#BalitaExclusives: May trobol ba sa relasyong 'throuple?'

"So it's very important na na-meet mo muna ang basic needs mo, ang iyong food, shelter, at siyempre meron kang career," aniya pa.

Binanggit din ni Coach Vee ang "Maslow's Hierarchy of Needs" ni Abraham Maslow, kailangan daw munang maabot ang basic needs at safety needs bago makarating sa "love and belonging needs."

Paliwanag ng dating coach, iba raw ang mate preference ng isang tao kapag walang pera, at umiiba naman ang taste kapag maraming pera. Kaya naman, kailangan daw munang maranasan at mapagtagumpayan ang "survival mode" bago humanap ng makakarelasyon at pumasok sa isang relasyon.

"You could fall in love with somebody while you are in your survival mode. Pero instead of mamahalin mo sila, aba'y kakapitan mo sila dahil hindi mo pa nga na-meet ang basic needs mo," paliwanag niya.

Dagdag pa niya, "The best lovers are those who are already taking care of themselves, and they can already take care of another human being."

"So kapag broke ka, bawal mag-jowa? Bawal," pagdidiin pa ni Coach Vee.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Applicable sa both genders yan. Hindi lang sa lalaki."

"Di pwedeng lalaki lang ang laging may pera dapat meron din ang babae para patas."

"Depende padin! May nag j jowa for inspiration muna then both sila nagiipon for their future."

"Hahaha stay single, no hustle."

"Dapat both, hindi dapat isa lang, even ang babae needs a safety net, in reality hindi lahat ng oras meron ang isa, kahit na sobrang sipag mo meron tayong tinatawag n downtimes, kahit na single ka mas lalo na wala kang dedependehan na tao, lahat dapat tayo my responsibilidad higit sa sarili bago ang ibang tao, at sa huli kayong dalawa ang magtutulungan at magdadamayan."

"Yes you can have jowa because financial stability isn't everything but it's a good start for a stable relationship."

Ikaw, handa ka na bang mag-jowa sa estado mo ngayon?