May 22, 2026

Home BALITA

Inang namatayan ng 17-anyos na anak dahil sa energy drink, balak kasuhan ang distributor!

Inang namatayan ng 17-anyos na anak dahil sa energy drink, balak kasuhan ang distributor!

Nagsampa ng kaso ang isang ina laban sa distributor ng isang energy drink matapos mamatay ang kaniyang 17-anyos na anak na babae dahil sa paglaki ng puso na iniuugnay sa labis na caffeine.

Ang biktima na isang senior student sa Weslaco High School, ay nakapasa na sa University of Texas at Austin at may plano sanang mag-aral ng abogasya. Kilala rin siya bilang cheerleader, student council president, at Junior Miss sa kanilang lugar bago siya pumanaw noong Oktubre 2026.

Ayon sa reklamo, target ng kaso ang distributor ng energy drink na umano’y kulang sa babala sa label at may marketing na nagbigay ng impresyon na ligtas ito, na nag-udyok sa labis na pagkonsumo ng biktima.

Batay sa pagsusuri ng medical examiner, ang sanhi ng pagkamatay ay paglaki ng puso dulot ng matagal na labis na pag-inom ng caffeine.

Lumabas sa imbestigasyon na naging bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng dalagita ang pag-inom ng naturang energy drink sa loob ng isang taon bago ang kaniyang pagkamatay.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Bagama’t may nakalagay na paalala sa lata na hindi ito inirerekomenda para sa mga bata, iginiit sa demanda na hindi sapat ang babala tungkol sa seryosong panganib sa puso na maaaring idulot ng labis na caffeine.

Kasama sa mga pinangalanan sa kaso ang Glazer’s Beer and Beverage, na siyang distributor ng produkto sa mga tindahan sa Hidalgo County kung saan ito binibili ng biktima. Posible pang madagdagan ang mga kakasuhan sa mga susunod na linggo.

Ayon sa pamilya, wala ring natukoy na droga o alak sa katawan ng biktima, at wala silang kasaysayan ng sakit sa puso.

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang nasabing distributor kaugnay ng kaso.