May 21, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Sa Lilim ng Cavite: Ilang Cozy Cabins para sa tahimik na Summer Escape

Sa Lilim ng Cavite: Ilang Cozy Cabins para sa tahimik na Summer Escape

Hindi lahat ng summer getaway kailangan may beach o resort crowd. Minsan, ang pinaka hinahanap natin ay yung simpleng katahimikan—yung hangin na may halong amoy ng kahoy, kape sa umaga, at gabing puro kuliglig lang ang kasama.

Sa probinsya ng Cavite, lampas sa usual na Tagaytay spots, may mga nakatagong cabin stays sa mga lugar tulad ng Indang, Magallanes, Amadeo, at Silang—mga espasyong ginawa para mag-slow down ka.

Narito ang 10 cozy cabins na pwede mong takasan ngayong tag-init:

Camp Kalinaw (Silang, Cavite) 

Halos mahigit isang oras lamang mula sa Maynila, ay mararating mo na ang Camp Kalinaw na mas magpapalinaw sa summer plans mo. Isa itong lugar na perfect kung gusto mo mag-disconnect kahit sandali. May mga glamping rooms na pwede mula couples hanggang barkada ang laki. May own kitchen area at may own swimming pools na katabi ng glamping area.

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

Naglalaro ang presyo nito mula ₱1,999 hanggang ₱2,500. Standard ang Check in and out nila na 3PM sa check in at 12PM naman sa check out.

EJ Play and Campground (Imus, Cavite)

Ilang oras lang mula sa Metro Manila ay mararating mo na ang EJ Play and Campground na literal na mapapa-disconnect ka mula sa ingay ng kalunsuran. Sa dami kasi ng mga activities na maaari mong gawin katulad ng bonfire, fishing, malaking playground, horseback riding, zipline at iba pa, talaga namang susulitin nito ang staycation mo.

Nasa ₱1,570 ang pinakamura nilang rates habang nasa ₱8,800 naman ang pinakamahal depende kung ilan kayo sa loob ng tent at ng cabin.

Tara Camping (Magallanes, Cavite)

Kung gusto mo na rin naman ng nature escapade, itodo na ‘yan sa Tara Camping sa Magallanes, Cavite. Mula sa kanilang mga aesthetic cabins at glass house, tiyak na sulit ang bakasyon mo. Mapuno rin ang lugar at may mga activities katulad ng badminton, volleybal, archery, dart, go kart at iba pa.

Nagsisimula ang rates nila ng ₱2,500 hanggang ₱3,000 with free breakfast inclusions na!

 Canopy Farm (Indang, Cavite)

Sa makasaysayang bayan ng Indang, nakatago ang tila hidden gem na all out na ang hatid para sa mga susubok na mag-staycation sa kanila. Paano ba naman, mula couple rooms hanggang barkada rooms, sports room, massage area, canopy walk area, pagtatampisaw sa batis, cafe, restaurant, overlookingna swimming pool ay pwede mong masubukan sa laki at tahimik nilang lugar.

Nagsisimula ang presyo nila mula ₱2,500 for two pax good for overnight. Habang may mga price range pa para sa iba’t ibang rooms na balak niyong kunin.

Papings’s Staycation and Campsite (Magallanes, Cavite)

Sa Magallanes pa rin, isang kakaibang cozy cabins ang matatagpuan mo. Paano ba naman, mula sa mga tiny house cabin, camper van, mini bus, cocoon style at container style cabins, ay nakahanda ang creative perfect accommodations para sayo. May mga indoor jacuzzi rin, hot tub at pa-romantic dinner pa, depende sa trip mo. Malaki at marami ring fun activities ang maaaring gawin dito.

Nagsisimula ang rates nila mula ₱1,999 hanggang ₱3,999.

Ang tunay na “cozy” hindi lang nasusukat sa ganda ng cabin—kundi sa kung gaano ka katahimik habang nandun ka. Sa Cavite, may mga lugar pa rin sa mgahindi nagmamadali. At malay mo, baka doon ka rin dapat pumunta.