May 21, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Karneng baka, 'reward' para sa mga taong mababawasan ang timbang

Karneng baka, 'reward' para sa mga taong mababawasan ang timbang
Photo courtesy: Unsplash


Paano ka nagpapapayat? May fitspiration ka ba?

May kakaibang pakulo ang isang programa sa bansang China. Paano ba naman kasi, may karampatang kapalit na karne ng baka ang pagpayat ng isang tao!

Sa isang komunidad sa silangang bahagi ng China, sikat na sikat ang programang “Trade fat for beef.”

Ayon sa mga ulat, madali lamang ang patakaran nito: kada kalahating kilong mababawas sa timbang ng isang tao, papalitan ito ng kalahating kilo ring “boneless beef,” o kaya naman ay isa’t kalahating kilo naman ng may buto.

Base pa sa mga artikulo, ito raw ay suportado ng mga lokal na awtoridad, upang mabigyang-pansin ang usapin ng tumataas na bilang ng mga taong “obese” sa lugar.

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho



May ilan din daw na gusto lamang talagang pumayat, at hindi na hinahabol ang makukuhang reward na karne ng baka.

Tinimbang na rin daw ang higit 1,000 kalahok ng programa noong Marso, at sila ay babalik sa Enero 2027 upang muling timbangin.

Ang mga matagumpay na kalahok ay maaari daw tumanggap ng “expensive cuts” tulad ng “oxtail,” depende kung sila raw ay labis na nabawasan ng bigat.

Gayunpaman, 10 kilo lamang ang “available free meat” sa mga lalahok.