Nagbabaka-sakali ang Pilipinas na matapos na ang girian at tensyon ng mga bansa sa Middle East, partikular na ang Amerika, Israel, at Iran—kasunod ang US-Iran peace talks na pangungunahan ng bansang Pakistan.
Kaugnay ito sa umano’y pagkilos ng nabanggit na bansa upang makagawa ng paraan para mapigilan na ang nasabing digmaan—na siya namang pinasalamatan ng Iran.
MAKI-BALITA: Iran nagpasalamat sa Pakistan, bubuksan Strait of Hormuz ng 2 linggo!-Balita
Sa isang pahayag na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Miyerkules, Abril 8, inilahad nila ang pagkilala ng Pilipinas sa “peace talks” ng mga nabanggit na bansa.
“The Philippines welcomes with cautious optimism, the announcement of US-Iran peace talks which will be facilitated by Pakistan,” saad ng DFA.
Ayon pa sa ahensya, sila ay umaasa na matatapos na ang digmaan, at makakamtan na ng lahat ang permanentang kapayapaan.
“We hope that the negotiations will lead to the permanent end of the conflict and lasting peace. The conflict has caused significant loss of lives and damage to civilian and economic infrastructure, as well as disruptions in the global economy,” anang ahensya.
Pagtitiyak nila, patuloy naman ang suporta ng Pilipinas sa mga hakbang na isinasagawa ng mga bansa gaya na lamang ng dayalogo at diplomasiya.
“The Philippines continues to hope that all parties will resolve their differences through earnest dialogue and diplomacy,” pagtatapos ng DFA.